Archive for Hunyo 3rd, 2007
Kitang kita sa Ibidinsya!
Jusko!!!!! Kamusta naman yon! Super shocking paren talaga ako sa na-browse at na-view ko sa isang website, na page ng isang kapatid natin sa 4-1 Golden Babies! Hindi naman sya shocking actually… It’s like a confirmation of a longtime issue, ala Ogie-Regine lang naman.
Matagal nang gumigimbal sa apat na sulok ng Nasugbu ang isyung “Ogie-Regine”, pero walang nagko-confirm. Tuwing tinatanong sila ay “no” ang sagot. Ngunit dumating nga sa point na even their closest friends ay hindi na alam kung totoo ang sinasabi nila.
Recently, na-sight ko ang isang website ang 32 pictures lang naman nila together! At mababasa mo sa isang blog ang kanilang term of endearment. Nakoh! Ayaw ko na lang banggitin ang term of endearment nila. Please lang!
Ipagdadamot ko muna ang URL ng nasabing website huh!
4 comments Hunyo 3, 2007
Nanood kami ng Movie!”Texas Chainsaw Massacre “
Hayan…. After the too much delayed class get together ng 4-1. Natuloy din ang lakwatcha ng klase! Isang makulimlim na hapon, nagtipontipon kami sa may CR sa Plaza de Roxas. Ang ganda ng meeting place! Ala una ang usapan, pero katulad ng mga nakaraang tradisyon, alas dos na dumating ang majority of the people. At naghuntahan lang kami duon sa may CR, until umulan… We decided na sa house na lang namin pumunta para manood ng movie: Texas Chain Saw Massacre part 2″. The film is great! And gruesome! Wehehehe… Nakakadiri kaya yung kulay ng dugo na kumakalat everytime na may napapatay yung killer! Match pa sya sa reno liver spread na palaman namin sa tasty bread! Kumusta naman yun! After the movie, naglakad kami papunta sa Plaza na naman! Tumambay kami sa tabi ng fountain, nagkwentuhan, at nag-abang ng meteor shower, assuming na may meteor shower! Eh wala naman!!!
Add comment Hunyo 3, 2007
Balasubas Si Alvin!
Ilang beses kong sinubukang i-text si friendship Dianne. Nagulat na lang ako nang malaman ko na confiscated ang cellphone niya! Dahil pala kay Alvin! Nagtext sya kay Dianne ng Super Green Joke. Ang problema, nabasa ng tatay ni Dianne! Kaya super nagalit ang father ni Dianne, itinext si Alvin. At ang reply ba naman ni Alvin ay “HU U?”. Kumusta naman yon! Confiscated tuloy ang cellphone ni Dianne. Imbierna talaga si Alvin Huh!!!!
1 comment Hunyo 3, 2007


